Ang Multo sa Elevator

  

Sabi ng mga tenant sa isang Condominium sa Ermita kapag sumasapit na ang ika-alas onse ng gabi. Siyempre, hindi naman niya iyon pinaniwalaan dahil ganoong oras siya umuuwi buhat sa kanyang pinagtatrabahuhang Call Center.

Siya nga pala si Mayeth San Juan, 36, dalaga at nag-iisa na sa buhay, ulila na kasi siya at wala naman siyang kapatid. Kung mayroon man siyang mga kamag-anak, hindi niya kilala ang mga ito at wala naman siyang planong kilalanin. Basta ang sabi ng mga magulang niya noong nabubuhay pa, itinakwil ang mga ito ng mag-ibigan.




Pipindutin na sana niya ang numerong 8 nang may biglang pumasok na lalaki sa elevator. Kaya, naman napaatras siya sa kanyang pagkakatayo dahil desidido itong agawin ang kanyang puwesto. Ibig sana niyang magalit sa ginawa nito pero wala namang kahihinatnang maganda ang galit kaya malalim na buntunghininga na lang ang kanyang ginawa.

"8th floor please..." sabi niya.

Ngunit, hindi ito tumugon.

Kahit nakakaramdam siya ng iritasyon, di pa rin niya ito magawang tarayan. Kaya, siya na lang ang gumawa ng ipinagagawa niya. Tapos, sinulyapan niya ang lalaki para iparating dito na naiinis siya. At nahigop niya ang kanyang hininga nang mapagmasdan ito. Ang putla putla ng mukha nito kaya para siyang kinilabutan. Naisip niya kasi ang sinasabing multo sa elevator na iyon kaya naman nang bumukas na ang elevator sa 8th floor dali-dali na siyang lumabas.

KAHIT na tunay na lalaki si Fredrick Alcantara, nakaramdam siya ng sobrang kilabot nang bumukas ang elevator sa 8th floor gayung hindi nakailaw iyon. Bigla tuloy niyang naalala ang usapan-usapan na may nagmumulto nga sa elevator na iyon tuwing sasabit ang alas-onse nang gabi. Hindi naman niya iyon pinaniwalaan dahil para sa kanya ang multo ay isang kathang isip lang.

Ngunit, iba ang naramdaman niya kani-kanina lang, saradung-sarado ang elevator pero ang lamig-lamig ng pakiramdam niya. Para ngang mayroon pang bumubulong sa kanya. Ah, kung may sakit lang siya sa puso ng mga sandaling iyon, baka inatake na siya. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit hindi niya pinaniwalan ang babala sa kanya ni Alfredo, ang matandang lalaki sa katabing unit niya, noong maglipat siya ng nakaraang buwan.

"Limang taon na ang nakalilipas ng matagpuang patay sa elevator ang isang call center agent na babae. Bigla kasing nag-brownout ng gabing iyon, maging ang generator ay nasira kaya hindi agad siya nakalabas. Marahil sa sobrang takot niya ay inatake siya sa puso. At iyon na ang simula ng kababalaghan sa elevator tuwing sumasapit ang alas-onse ng gabi. "


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Guhit ni Elvie

Ang Aparador ni Salome