Pitik Bulag
"Kamusta ka na?" "Niloloko mo ba ako?" pasinghal na tanong ni Ariel,20, sa boses na iyon. Si Trisha, girlfriend niya. Kahit na malambing ang pagkakatanong nito, pakiramdam niya'y niloloko siya nito. Biro mo tatanungin pa siya nito ng 'kamusta ka?' gayung nakikita naman nito ang kanyang kalagayan. "Ang sungit mo naman." Marahas na buntunghininga ang kanyang ginawa. "Nakikita mo na kasing nasa ospital ako, hindi ba? May benda pa ang mata ko, ibig sabihin, mabubulag ako." Kahit na pareho silang naaksidente ay hindi niya nagawang itanong kung okay ba ito. Obvious naman na naka-recover na ito kaya nasa tabi na niya. "May mata ka na, hindi ba? Inoperahan ka na." "Hindi pa rin ako nakasisiguro na makakakita ako," pasinghal niyang sabi rito. Nagagalit siya, hindi sa kanyang kausap kundi sa kanyang sarili. Siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya nakakulong sa kuwarto na iyon. Ayaw kasi nito maniwala na wala siya...